Yehey! Another post, wahahaha!! Hay grabe, tatlong araw na yang butiki na yan sa kwarto ng ahia ko hahaha! Buti it managed to survive haha! Mabait naman siya eh, di siya nananakit, nagto-tour lang sa kwarto hehe... >:)
Anyway, since napapansin ko na karamihan sa mga blogs ng mga kilala kong bloggers nag-u-update ng college life nila, so siguro ako rin dapat haha! Tsaka more on tagalog ako ngayon para mas exciting magbasa (siguro..) haha! >:)
Ayan, so eto na. Sa mga di pa nakakaalam, sa FEU (Morayta) ako nagaaral, and araw-araw dinadaanan ko pa rin ang ating beloved na SSHS tapos nagji-jeep ako pag dating sa Recto. Ang difference lang sa pagdaan sa Masangkay eh, dumadaan ako dati naka-violet ang skirt. Ngayon, green na. Hindi na pala checkered-green ang palda ngayon ng FEU, dark green na siya, kakulay ng blackboard natin sa SSHS. Kakulay din siya nung sign board sa One Mi-ho katabi ng Book 1 na nakalagay na "Caution, men at work." At minsan, nafi-feel ko pa rin ang ambiance sa pag pasok dun sa malapit sa humility hall na gate. Isa pang difference ay additional 5 mins ang paglalakad ko hanggang makarating ako ng Recto. Parang dalawang beses ako pumunta ng SSHS ang pakiramdam kasi 5 mins lang din from our house to SSHS.
Anyway, ang dami kong pwedeng masabi sa FEU, isa na dun ay ang mga bading sa campus na talaga namang mas maganda pa yung iba sa mga babae. Walang isang araw na hindi ako makakakita ng mga bading na sing kapal ng balat ng baka ang kanilang mga kolorete sa mukha, sing dulas ng kung ano man ang napakadulas na bagay ang kanilang mga buhok at sing taas at sing tulis din ng tuktok ng Eiffel Tower ang mga takong ng mga sapatos nila.
At bawal din pala na maging masyadong wild at hyper ang mga nursing, PT, at medTech sa amin. Dapat daw, mahihinhin ang mga ganun, tahimik lang dapat. Hay, napagsabihan nga kami ng mga higher batch dati eh, kasi nagsisipagtawanan kami ng medyo malakas nun, may kalikod pala kaming mga higher batch na nursing, tapos pinagsabihan kami, sabi samin, "Excuse me, AHSE (Associative Health and Science Education--sakop ang nursing, PT at medTech dito.) ba kayo?" Sabay taray samin. Guess what, bading ang nagsabi nun, yes, di kayo namamalit mata, bading nga as in B-A-D-I-N-G--bading.
So far, ok naman ako sa mga studies ko, mga ka-close ko doon, ok rin naman. Natutuwa ako at Tiu ang middle name ko. Grabe, dun pala samin, pagkakaguluhan ka pag may "Tiu" ka sa name mo, lalo na kapag sa last name mo pa tumapat ang "Tiu". Feeling artista ka talaga pag ganun ang nangyari sayo. Siguro alam niyo na kung bakit, super obssessed pala kay Chris Tiu ang mga tao doon. BTW, congratz ADMU! Champions, Hehe..:) Anyway, syempre diba pag first day, may mga sulat sulat pa ng mga "full name" sa mga papel papel. Natural sulat ko sa papel: "Lim, Jeannine Tiu". At maririnig mo na sa tabi tabi ang mga bulung-bulungan na "TIU? Tiu ba to? Tiu nga ito!" After nun, lalapitan ako at sabay tanong: "Kaano-ano mo si Chris Tiu?!" Sinasagot ko sila ng "pinsan ko.........JOKE!" Haha! Wala lang, nakakatuwa lang talaga.
Anyway, update ko naman yung mga subjects ko. As usual, may English, Math, Filipino, Natural Science - Biologoy, at P.E. kami, tapos yung mga bago: Psychology and Philosophy. Next sem pa namin ang Chemistry hehe.
English: Ok naman ako dito, basic lang naman yung mga lesson eh. More on verb tenses kami tsaka mga subject verb agreement. Ang masasabi ko naman sa prof namin, pag hindi niya ma-explain ang isang number--presto! Bonus na ang number na yun. Pero kahit ganun siya, kino-consider pa rin namin siya na magaling kasi multi-tasker siya: Nag-aaral pa sya sa isang law school, call center agent, prof sa FEU, married na. O diba
Math: Basic algebra lang kami, at dito lang ako nakakita ng calculator na worth PHP20,000. Promise, voyage calculator yung tawag, search niyo, ginagamit namin ito minsan minsan lang. Tig iisa-isa kami neto, 40 kami isang class, PHP 800,000 na, grabe noh. Super handle with super care talaga dapat ito. Pero worth it naman ung price niya, kasi, super hi-tech talaga ung calcu. Di ko na explain, search niyo nalang kung gusto nyo hehe.
Biology: Ok rin naman Biology namin. Yung problema lang sa prof, nauubos yung time dahil sa pag-ooperate ng laptop, kasi lagi kami power point. 1 and 1/2 hours kami per subject. Ang nangyayari sa Bio namin, 45 mins lang ung nagagamit, the rest of the mins, nasa laptop na niya. Lagi nga siya on time dumating pero dahil sa laptop, nauubos ang time. Ang masaya sa Bio namin, ang paggamit ng microscope. Grabe, ang cool sobra, kasi HPO na yung ginagamit namin, kaya kitang kita talaga lahat, as in, gumagalaw talaga yung mga particles ganun! Haha!
P.E.: Hay, nung una ok eh, kasi movement education lang, as in parang exercise lang. After nun aerobics kami. Hay, asar talaga ako dun, mas prefer kasi ng prof namin mga latin and retro aerobics sa practical exam namin. Wala lang, di ko talaga feel yung mga ganun. Kaya ayun, medyo bumaba grade ko konti lang naman hehe. Tapos rythmic gymnastic naman, ewan, hindi ko feel maging P.E. ang mga ganun. Mas gusto ko mga sports type hehe.
Psychology: Ang masasabi ko sa Psych namin, hindi bababa ng 20 items ang mga quiz niya. Type ng mga quiz niya puro identification and enumeration or essay. Wala lang, sa discussion lang namin naaaplay ang tunay na essence ng psychology, pag nag-quiz na, parang wala na. Never kasi siya nagbigay ng mga situational na tanong eh. Sabagay sa essay, pero iba pa rin talaga eh hehe.
Philosophy: Prof Saquing--the best... Hindi ka mabobore kapag nagturo na siya, tsaka, she always have a very accurate example for every situation na lagi talaga may kinalaman sa lesson, kasi yung ibang prof namin kwento sila ng kwento, wala nang kinalaman sa lesson. Masaya pag philo na namin. Nakakatakot nga lang pag recitation na, nakakakaba kasi professional lawyer siya, yung tipong pag tinanong ka nya, para kayong nasa korte promise, na feel ko yun haha!
Filipino: Kaya ko ito hinuli kasi ito pinaka-weird na pakiramdam pag nagfi-filipino na kami. Mismong lesson ayoko--pakikipagtalastasan. Hay, basta, hindi ko alam pano i-express ang feeling ko dito eh, di ko na itutuloy hehe.
So, about sa classmates ko, ok lang din naman sila, yung iba lang talaga nakakairita, mostly guys. Masarap din kasama yung iba, haha! May pagka-bibo kasi karamihan eh, masaya hehe. Tsaka ewan ko lang kung samin lang nangyayari ito, kahit classmates ko minsan tinatawag ako by my last name. Naiilang ako eh haha! Pero syempre lilingon na rin pag tinawag hehe.=)
Hanggang dito nalang muna, mahaba na eh, baka ma-bore na kayo magbasa. Madami pa akong gustong ikwento, about sa jeep experience ko, tsaka si Mr. Francis Kong, guest speaker namin last week, haha! Next post ko na ikwento ha hehe. Tatapusin ko na yung twilight ko hehe.
Sige, thanks for reading, see you at my next post hehe! ^^
updates..UpdateS..UPDATES...
Twilight: To Read or not to Read?
Ok, so here it is, the Twilight of Stephenie Meyer that almost everybody has been obsessing with lately, will finally released its movie on November 21, 2008 in America and along December in the Philippines. (YEY!!)??
I found a video while searching for trailers on youtube, by the way, I have been reading the book and I'm just at chapter 9, Anyway, so here's the thing, this video I found might kill your obsession with Twilight and maybe Edward Cullen(for girls). If you don't want to kill the obsession and you think you can't fight it, then don't watch it. If you can, then ok, watch it.
WARNING: Again, this video may kill your obsession with Twilight and Edward Cullen(for girls..again). If you can't fight it, DON'T WATCH IT.
For obsessed with Twilight and Edward Cullen(for girls...) and had successfully fought it: Want to kill the girl? Go ahead. >:)
I found a video while searching for trailers on youtube, by the way, I have been reading the book and I'm just at chapter 9, Anyway, so here's the thing, this video I found might kill your obsession with Twilight and maybe Edward Cullen(for girls). If you don't want to kill the obsession and you think you can't fight it, then don't watch it. If you can, then ok, watch it.
WARNING: Again, this video may kill your obsession with Twilight and Edward Cullen(for girls..again). If you can't fight it, DON'T WATCH IT.
For obsessed with Twilight and Edward Cullen(for girls...) and had successfully fought it: Want to kill the girl? Go ahead. >:)
Subscribe to:
Posts (Atom)